Tuesday, March 10, 2026

INABANDONANG MOTORSIKLO, NATAGPUAN SA MANGALDAN

Isang motorsiklo ang inabandona at hindi pa tukoy ang may-ari ang natagpuan sa Mangaldan, Pangasinan bandang 10:30 ng umaga, kahapon, Marso 8, 2026.

Ang insidente ay iniulat ng isang barangay kagawad, na nakapansin sa hindi umalis at walang nagbabantay na sasakyan.

Ayon sa kanyang ulat, bandang 7:19 ng gabi noong Marso 7, 2026 nang mapansin sa harap ng national road ng Barangay Bantayan ang isang lalaking nakasuot ng itim na T-shirt at itim na shorts na iniwan ang isang itim na motorsiklo na walang plaka. Matapos iwan ang sasakyan, umalis ang naturang lalaki at hindi na bumalik.

Nakuha sa CCTV footage na pagmamay-ari ng barangay official ang pangyayari, na nagsilbing basehan sa pag-uulat ng insidente sa mga awtoridad.

Sa kasalukuyan, ang nasabing motorsiklo ay nasa kustodiya na ng Mangaldan Municipal Police Station (MPS) para sa kaukulang disposisyon.

Humingi na rin ng beripikasyon ang kapulisan sa Land Transportation Office (LTO) sa Dagupan City upang matukoy ang posibleng rehistradong may-ari ng motorsiklo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments