Manila, Philippines – Ibuburol sa kanilang bahay sa Sara, Iloilo ang labi ni Joanna Demafelis, ang OFW na napatay at inilagay sa freezer sa Kuwait.
Ito ay matapos maiuwi sa Iloilo kahapon ang labi ni Dimafelis na sinalubong ng mga nagdadalamhating mga kaanak.
Idinala sa punerarya ang bangkay ni Demafelis para i-proseso at maiayos bago maiuwi sa kanilang bahay at paglamayan.
Naibigay na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paunang tulong para sa naulilang pamilya nito.
Facebook Comments