Inagurasyon at oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng San Juan at Pasig city, naging maayos at mapayapa

Naging maayos at mapayapa ang katatapos lamang na inagurasyon at oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod ng San Juan at Pasig City.

 

Mismong ang bagong upong Eastern Police Director na si Brig. Gen. Nolasco Bathan ang personal na nakipagkita at nagpunta sa Fil oil flying V arena sa San Juan para batiin ang mga uupong opisyal ng lungsod partikular si Mayor Francis Zamora.

 

Habang si Eastern Police District Chief Col. Rizalito Gapas naman ang namuno sa pagbabantay sa seguridad sa paligid ng Pasig Sports Complex kung saan nanumpa si Mayor Vico Sotto kasama ang mga magulang na si Connie Reyes at Vic Sotto.


 

Nabatid na una nang ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa mga district commanders na tiyakin ang sapat na security preparations para sa oath-taking ceremonies kung saan mayroong minimum na 90 police officers at personnel ang ipapakalat upang bantayan ang seremoniya sa kada siyudad.

 

Umaasa naman ang buong pamunuan ng eastern police na magkakaroon ng maayos na ugnayan ang kanilang hanay sa mga bagong upong opisyal sa apat na lungsod na kanilang nasasakupan.

Facebook Comments