Inagurasyon ng 24.9-megawatt Lake Mainit Hydro Power Plant sa Agusan del Norte, sinaksihan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inagurasyon ng 24.9-megawatt Lake Mainit Hydro Power Plant sa Agusan del Norte.

Sa naging talumpati ng pangulo, sinabi nitong ang pagkakaroon ng ganitong hydro power project ay kailangang kailangan lalo’t tumataas ang power demand at makakatulong rin sa energy supply ng bansa.

Hindi lang daw ito makakapagbigay benepisyo sa may 45,000 households kundi magbibigay rin ng socio-economic opportunity sa mga taga-Agusan del Norte at iba pang lugar sa Mindanao.


Hinimok naman ng pangulo ang nasa pribadong sektor na makipag-partner sa gobyerno para mabigyan ang mga tao sa ng abot-kaya, maaasahan at malinis na enerhiya.

Siniguro din ng pangulo na inaayos ng gobyerno ang bureaucratic processes sa energy sector para mas marami pa ang mamumuhunan sa bansa.

Facebook Comments