Nagpapatuloy ang konstruksyon ng 55-bed capacity Umingan Super Community Hospital na matatagpuan sa Brgy. Gonzales, Umingan, Pangasinan na inaasahang makatutulong sa mga residente sa bayan at mga kalapit na lugar.
Ayon kay Governor Guico III, magkakaroon ng makabagong mga kagamitan ang hospital tulad ng CT (computed tomography) scan, X-ray, dialysis machine, mammogram at iba pa.
Dagdag nito, sa pagtatapos ng nasabing proyekto, magiging model hospital ito sa susunod pang itatayong ospital ng gobyerno.
Samantala, nasa dalawang daang milyong piso ang inilaang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan habang target ding mas mapabuti at maisaayos pa ang lahat ng government-run hospitals na may layong maitaguyod ang mas kalidad na serbisyong medical lalo na para sa mga hirap na mga Pangasinenses.
Target naman na sa unang bahagi ng taong 2026 maisagawa ang inagurasyon ng pasilidad at mapakinabangan na ng mga residenteng nangangailangan ng medikal na atensyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









