Inagurasyon ng pabahay sa mga biktima ng landslide sa Naga, pangungunahan ni Pangulong Duterte

Pangungunahan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng relocation site para sa mga biktima ng landslide sa Naga City.

Nabatid na halos isang taon na ang nakalipas nang gumuho ang lupa sa Sitio Sindulan sa Barangay Tinaan, Naga City na ikinasawi ng mahigit 70 katao.

Halos 200 bahay ang itatayo sa dalawang ektaryang bahagi ng balili property.


Nangako noon ang pangulo na tutulong siya sa pagtatayo ng mga bagong bahay para sa mahigit 400 pamilya.

Facebook Comments