WASHINGTON, D.C – Naghahanda na ang lahat para sa inagurasyon ni US President elect Donald Trump ngayong araw (Enero 20), oras sa Amerika.Tatlong dating pangulo ang sasaksi sa makasaysayang seremonya sa US capitol sa Washington na maghuhudyat ng pagsisimula ng termino ni Trump bilang 45th commander in Chief ng Amerika.Kabilang dito sina dating US President George Bush, Bill Clinton at Jimmy Carter.Tradisyon na sa mga dating pangulo ng US at kanilang asawa na dumalo sa inagurasyon ng bagong pangulo kaya’t inaasahan ang presenya ng natalong presidential candidate na si Hillary ClintonSamantala si national security adviser Hermogenes Esperon naman ang ipapadala ni Pangulong Rodrigo Duterte para saksihan ang inagurasyon ni Trump.
Facebook Comments