INAGURASYON SA IKA-SAMPUNG BALAY SILANGAN REFORMATION CENTER SA PANGASINAN, BINUKSAN NA SA BAYAN NG SAN QUINTIN

Pormal nang binuksan sa bayan ng San Quintin ang ika-sampung Balay Silangan Reformation Center sa lalawigan ng Pangasinan kahapon ika-7 ng Setyembre.
Ang naturang Balay Silangan na matatagpuan sa Barangay Casantamaria-an sa nasabing bayan ay kayang i-cater ang nasa apatnapung reformists o ang mga indibidwal na mag-i-enrol na sangkot sa iligal na droga na nais mag bagumbuhay sa pamamagitan ng mga reformation program na inihahanda ng ahensya para sa mga ito.
Dito, mananatili ang isang reformist sa loob ng isang buwang mandatory in-house para sa ibabahagi sa kaila gaya ng edukasyon, kalusugan psychosocial, physical activities, at dalawang buwang para naman sa livelihood at employment education.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan director Rechie Camacho na nasa 90% na ang drug-cleared barangay sa bayan kung saan target na maabot ang nasa 100% drug–cleared status sa 21 Barangay nito.
Nangako naman ang LGU San Quintin na ipapasok o i-enrol nila ang mga surrenderers para sa nararapat na interbensyon. |ifmnews
Facebook Comments