Pormal nang pinasinayaan ang ika-siyam na Balay Silangan sa probinsya ng Pangasinan ngayong araw, ika-19 ng Abril sa Brgy. Pugaro, Manaoag, Pangasinan.
Pinangunahan ang naturang bagong pasilidad na ito para sa mga drug surrenderers ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional at Provincial, katuwang ang LGU Manaoag, DepEd, TESDA at marami pang ahensya na siyang tutulong at mag-aakay papunta muli sa tamang landas matapos maging biktima at maimpluwensyahan ng iligal na droga o ang ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa mga awtoridad na ang reformation center na ito kayang tanggapin ang nasa 20 drug surrenderees kung saan ang bayan ng Manaoag ay mayroong tatlumpu’t walong (38) drug pushers na hawak ng PNP Manaoag.
Ang naturang Balay Silangan na ipinatayo sa nasabing bayan ay isang reformation center facility upang tulungan na makapagbagong-buhay muli o bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong sumuko at nalulong sa mga droga sa pamamagitan ng pamamalagi sa loob ng isang buwan.
Ayon naman sa kinatawan ng TESDA, maaari ding kumuha ng iba’t ibang kurso na naaayon sa kanilang abilidad na makakatulong sa kanilang paghahanap buhay sakaling matapos na sila sa reformation.

Facebook Comments