INAGURASYON SA IKALAWANG POLICE STATION BUILDING NG BAYAN NG MANGALDAN, PINASINAYAAN

Pinasinayaan kahapon ng Martes, ika-29 ng Nobyembre ang inagurasyon, pagbababas at turn-over ceremony sa bagong istasyon ng PNP Mangaldan sa Brgy. Guilig sa nasabing bayan.
Ikalawa na ang bagong gusaling ito ng PNP sa bayan kung saan sumulat ang dating administrasyon Lambino kay Sen. Bong Go upang magkaroon ng karagdang pasilidad dahil ang bayan ng Mangaldan ay isa umano sa first-class municipality sa Pangasinan.
Pinangunahan ang pagpapasinaya sa aktibidad ng Police Regional Office 1 sa pangunguna ng Regional Director na si PBGen. John Cayaban Chua, Pangasinan Police Provincial Office sa pamumuno naman ni PCol. Jeff Fanged, at ang Municipal Police Station Chief of Police ng Mangaldan sa pangunguna naman ni PLTCOL. Benjamin Zarate Jr. Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, bilang kinatawan ni Gov. Ramon “Mon Mon” Guico III, ang nasabing bagong tayong gusali ay ang isa umanong patunay na mayroong maayos na pagkakaisa at partnerships ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan at ng PNP upang makamit peace and order sa komunidad.

Ayon naman kay COP Zarate Jr. isang umano itong hakbang sa tamang direksyon sa misyon ng PNP na bumuo ng isang disente at makabagong pasilidad na nararapat sa mga tauhan.
Panghihikayat din ito sa mga uniformed personnel ng PNP Mangaldan upang itaas ang kanilang moral sa mas mahusay upang pagsilbihan ang munisipalidad ng Mangaldan at ang mga residente nito.
Ang pagpapasinaya umano nito ay magsisilbing pangako upang mapanatili ang ating positibong pagtugon sa panawagan ng serbisyo publiko sa pagtataguyod ng “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, Tungo sa Kaunlaran o M+K+K-K.
Pasasalamat naman ng alkalde ng bayan na si Mayor Bona Fe Parayno para sa bagong pasilidad na ito upang pagsilbihan ang kanilang bayan sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kaayusan at katahimikan. |ifmnews
Facebook Comments