INAGURASYON SA PAGBUBUKAS NG WURI MARKER NG PANPACIFIC UNIVERSITY SA LUNGSOD URDANETA, PORMAL NANG ISINAGAWA

URDANETA CITY, PANGASINAN – Matapos kilalanin ang Panpacific University Campus na matatagpuan sa Urdaneta City ng World University Rankings for Innovation noong May 18, 2023 bilang isa sa Global Top Innovative Universities sa mundo na nakakuha ng ranggong 201-300 at ranked 49 naman sa Top 50 for the Fourth Industrial Revolution Criterion, pormal nang binuksan sa publiko ang panibagong marker ng unibersidad na kanilang natanggap mula sa isang prestihiyosong World University Rankings for Innovation (WURI).
Nito lamang ika-9 ng Setyembre 2023 pormal nang pinasinayaan ang pagsasapubliko ng WURI Marker ng unibersidad kung saan pinangunahan ito ni Dr. Rhonda Padilla, University President ng PU at ng newly-installed Regional Director ng Commission on Higher Education, Director IV Dr. Christine Ferrer.
Dumalo rin sa unveiling ceremony ang Founder ng unibersidad na si Dr. Romeo T. Padilla maging ang mga bisita mula sa iba’t ibang unibersidad sa bansa at ang kawani ng Panpacific University bilang pagpapakita sa suporta sa napakahalagang okasyong ito ng paaralan.

Ang WURI ay nag-a-assess ng mga Higher Education Institutions sa buong mundo na may kontribusyon sa lipunan na hina-highlight ang mga innovative research, edukasyon at engagement ng isang HEI.
Layon na International Ranking body na ito ay upang bigyang-pansin ang mga HEI’s na may mahusay na makabagong pamamaraan sa edukasyon at sa pagbibigay inspirasyon sa pagsulong ng akademya at societal landscape.|ifmnews
Facebook Comments