INAKO | P-duterte, inako ang responsibilidad sa pagpapaimbestiga sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox

Manila, Philippines – Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa pagpapaimbestiga sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Inamin ng Pangulo na siya ang nag-utos na imbestigahan ang aniya ay “disorderly conduct” ng dayuhang madre sa bansa.

Sabi ng Pangulo, sa halip na manghimasok si Fox sa Pilipinas ay batikusin na lang niya ang sarili niyang bansa dahil sa pagtanggi sa mga refugee na naiipit sa giyera.


Dahil dito, sinabi ng Pangulo na simula ngayon, siya na ang magde-desisyon kung sinong banyaga ang papayagang pumasok at lumabas ng bansa.

Naniniwala naman ang Malacañang na may pagkakamali ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-aresto sa Australyana.

Facebook Comments