INAKO | Pangulong Duterte, inako ang responsibilidad sa nangyaring misencounter sa Samar

Tacloban City – Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa nangyaring misencounter sa Samar na ikinamatay ng anim na pulis noong Lunes.

Sa naging speech ng Pangulong Duterte sa Tacloban City, Leyte, sinabi nito na bilang commander-in-chief, nararapat lamang na isisi sa kaniya ang nangyari.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, kalimutan na lamang daw ang nangyari dahil hindi naman ito sinasadya kung saan hinimok niya ang mga sundalo na hintayin ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon.


Matatandaan na nagkaroon ng engkwentro ang mga sundalo sa mga pulis sa isang liblib na lugar sa Samar dahil inakala nilang rebelde ang mga ito.

Facebook Comments