INAKSYUNAN | Namaril na pulis, ni-relieve na sa serbisyo

Manila, Philippines – Ni-relieve na sa serbisyo ang pulis na namaril sa isang videoke bar sa Aranaiz Avenue, Pasay City noong Martes.

Kinilala ng Pasay City Police ang suspek na si PO1 Ivan Itchiro Ramos, 33-anyos na nakatalaga sa Parañaque City Police.

Ayon kay NCRPO Chief P/Dir. Oscar Albayalde – noong araw pa lang na nag-viral ang video ng insidente ay agad itong inaksyunan ng kanilang tanggapan.


Inilipat na muna sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ang pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments