INAKUSAHAN | Ambassador ng Kuwait sa bansa, ipinadedeklara ring persona non grata

Manila, Philippines – Ipinadedeklara ring persona non grata ng isang kongresista si Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.

Ito ay matapos palayasin at ideklarang persona non grata ng Kuwaiti Government si Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa.

Ayon kay ACTS OFW Partylist Representative John Bertiz, maaaring ideklarang persona non grata ang ambassador ng Kuwait sa Pilipinas dahil parang na-double cross ang bansa sa ginawa ng Kuwait at nanaig pa rin ang kanilang parliament.


Aniya, lubhang “disturbing” o nakakabahala ang naging hakbang ng Kuwait laban sa ating bansa.

Ikinagulat ng kongresista ang aksyon ng Kuwait dahil bago ito ay nagkausap pa si Pangulong Rodrigo Duterte at ang ambassador ng Kuwait.
Duda ang mambabatas na planado ng Kuwait ang kanilang hakbang dahil matapos ang usapan ng Pangulo at ng kanilang ambassador sa bansa ay pina-recall naman ito saka inilabas ang kautusan na palayasin si Villa.

Facebook Comments