INAKUSAHAN | Cabinet Sec. Jun Evasco, binalaan ang ‘oligarchs’ at media companies na hindi wastong nagbabayad ng buwis

Manila, Philippines – Inakusahan ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. ang media at mga oligarko na nagsanib-pwersa para tirahin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ni Evasco, na dapat magbayad ng buwis ang mga oligarch lalo at ilang sa mga ito ay nagmamay-ari at nagko-kontrol ng media companies.

Ayon kay Evasco, inaatake nila si Duterte dahil naapektuhan ang kanilang business interest bunsod ng kautusan ng pangulo sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na paigtingin ang koleksyon ng buwis.


Nitong nakaraang taon, nagbayad ang Philippine Airlines ng anim na bilyong pisong utang sa gobyerno.

Ang cigarette company na Mighty Corporation ay nagbayad din ng 30 billion pesos ng tax delinquency.

Facebook Comments