INAKUSAHAN | ENDO, talamak sa government agencies

Manila, Philippines – Tahasang inakusahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na mismong ang mga ahensya ng pamahalaan ay talamak sa ENDO o End of Contract scheme.

Ayon kay Zarate – batay sa kanilang report, lumalabas na sa gobyerno ang may pinakamaraming manggagawa na nasa ilalim ng ENDO system.

Aniya, kung tapat ang pamahalaan na tugunan ang problema sa sektor ng mga mangagawa, kinakailangan na i-certify na urgent ang batas na tuluyan nang magbabawal sa Contractualization sa bansa.


Nitong Martes, Labor day, nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na naglalayong matigil na ang ENDO sa Pilipinas.

Pero, sa interview ng RMN Manila kay Associated Labor Unions – Trade Congress of The Philippines (alu-tucp) Spokesperson Alan Tanusay, sinabi niya na walang pagbabago sa EO dahil tila naulit lang ang una nang nakapaloob sa labor code lalo na ang probisyon sa labor only contracting.
KUMILOS NA | Problema sa sef employed at hindi bayad na family workers – Tutugunan ng DOLE
Manila, Philippines – Kumilos na ang Department of Labor and Employment upang tugunan ang mga usapin na kinakaharap ng mga self-employed at hindi bayad na family workers sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – Ang sector na ito ay kumakatawan sa malaking porsiyento ng labor force na binubuo ng 15 milyong manggagawa.

Mahalaga aniya ang sector na ito sa lipunan, pero hindi sila saklaw ng mga patakaran at mga panuntunan sa paggawa gaya ng occupational safety and health and social protection.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng DOLE na maging bahagi ng formal sector ang mga self-employed at unpaid family workers.

Katuwang ng DOLE ang Department of Trade and Industry sa paglulunsad ng inisyatibo na tinawag na trabaho, negosyo, kabuhayan na magsisilbing blueprint for decent employment and entrepreneurship para sa taong 2017-2022 at livelihood agenda sa 2017-2022.

Facebook Comments