INAKUSAHAN | Saudi prince, responsable sa pagpatay kay Jamal Khashoggi

Inakusahan ni U.S. Senator Bob Corker si Saudi Arabia Crown Prince Mohammed Bin Salman na responsable sa pagpatay sa Washington post journalist Jamal Khashoggi.

Buo ang paniniwala ng Tennessee Republican Senator na ang prinsipe ang nag-utos sa pagpaslang sa mamamahayag.

Aniya, kung sumalang lang si Prince Salman sa hukom ay agad ito mahahatulan agad ng pagkakasala sa kasong murder.


Huling nakita si Khashoggi sa Saudi consulate sa Istanbul, Turkey at natagpuan na lamang na pira-piraso ang kanyang katawan.

Isang prominent journalist si Khashoggi na nag-cover ng ilang malalaking istorya tulad ng pananakop ng soviet sa Afghanistan at kay Osama Bin Laden.

Kilala rin siya bilang masugid na kritiko ni Prince Salman.

Facebook Comments