Inalis na 45-day benefit limit ng PhilHealth, isang inclusive approach para sa lahat ng miyembro —Malacañang

Tiwala ang Malacañang na malaki ang tulong na maibibigay sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng tinanggal na 45-day benefit limit para sa health coverage.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ginawa ng PhilHealth ang hakbang dahil maraming mga serbisyong pangkalusugan ang kinakailangan ng higit 45 days na coverage tulad ng hemodialysis.

Gusto ring siguruhin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang magiging hadlang sa mga serbisyo ng PhilHealth para sa mga Pilipino.


Sa ilalim ng dating sistema, may maximum na 45 days ang PhilHealth member para sa hospital confinement sa bawat taon.

Pero ngayon ay inalis na ito at mas magkakaroon na ng inclusive approach para sa iba pang medical services.

Facebook Comments