
Ikinadismaya ni PPP Party-list Rep. Harold Duterte ang pasya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na ilaan sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang inalis na pondo para sa flood control projects.
Nilinaw ni Rep. Harold na hindi sya kontra sa AICS at TUPAD program pero katwiran nya ang ganitong mga programa na nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga kapos-palad nating kababayan ay mas bukas sa manipulasyon ng mga politiko bukod sa pansamantala lang nitong epekto.
Para kay Congressman Duterte, mas mainam na paglaanan ng dagdag na pondo ang infrastructure at livelihood support para sa mga magsasaka at mangingisda.
Giit ni Duterte, mahalaga ang mga proyektong makatutulong sa mga mangignisda at magsasaka lalo’t sila ay kabilang sa mga pangunahing apektado tuwing hahagupit ang kalamidad tulad ng malawakang pagbaha.









