INALIS | Pagba-ban ng mga OFW Nurses sa Micronesia, tinanggal na ng DOLE

Manila, Philippines – Pinahihintulutan na ng pamunuan ng Department of Labor and Employment ang Nurses na magtatrabaho sa bansang Micronesia matapos magpasa ng isang Resolusyon ang Kagawaran hinggil sa lifting ng total ban sa mga balik manggagawa na magtrabaho muli sa naturang bansa.

Sa ginanap na Presscon sa tanggapan ng DOLE sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang ginawa nilang pag lift sa pagbaban ng mga OFW Nurses na magtatrabaho sa bansang Micronesia ay base nar rin sa ginawang rekumendasyon ng DFA sa kanilang tanggapan.

Paliwanag ng kalihim masusing pinag-aaralan ng kanilang TWG ang naturang hakbangin at base na rin sa rekumendasyon ng DFA kaya nila pinapayagang magtrabaho ang mga Pinoy Nurses sa naturang bansa.


Matatandaan na pinagbabawalan ng DOLE ang mga Pinoy Nurses na magtrabaho sa bansang Micronesia dahil sa samut saring reklamo kabilang ang mababang sahod ng mga Nurses.

Paliwanag ni Bello ang pinagbabasehan noon ng pagbabawal na magtrabaho sa naturang bansa ay iisang tao lamang kaya mahina ang naturang basehan para pagbawalan magtrabaho sa Micronesia ang mga Pinoy Nurses.

Facebook Comments