Manila, Philippines – Tinanggal na ng Korte Suprema sa listahan ng mga incumbent justices sa kanilang website si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay sa kabila ng nakabinbin pang Motion for Reconsideration (MR) ni Sereno kung saan hiniling nito na baligtarin ang desisyon sa quo warranto case na inihain ng Solicitor General kaya siya natanggal sa pwesto.
Matatandaan na noong May 11, 2018, pinaboran ng Supreme Court (SC) ang petisyon na inihain ni SolGen Jose Calida na nagdeklara kay Sereno na hindi kwalipikado bilang punong mahistrado.
Iniutos din ng korte ang pagpapatalsik kay Sereno at inatasan ang Judicial and Bar Council (JBC) na simulan na ang nominasyon at screening para sa susunod na chief justice.
Huling nakita ang picture ni Sereno sa SC website noong June 6, 2018 pero kinabukasan ay tinanggal na ang litrato nito at may nakalagay na vacant na ang pwesto nito.