Manila, Philippines – Pumalag ang ilang Senador sa kagustuhan ni Sen. Panfilo Lacson na tapyasan ng 50 billion ang salaping gastusin ng DPWH para sa 2018.
Sa halip na sa open session, nagkaroon ng executive session ang Bicam members kanina.
Kinukwestyon kasi ni Lacson ang mga pondong inilagay sa mga infrastructure projects na hindi pa nareresolba ang isyu ng road right of way.
Ayon kay Senador Lacson, hindi dapat pondohan ang mga infa projects na ang nakapangalan sa ROW ay mga John Doe.
Bagamat hindi niya pinangalanan, sinabi ni Lacson na inalmahan siya ng ilang kasama niyang senador dahil tinamaan ang kanilang mga inendorsong mga proyekto.
Karamihan sa mga proyekto na apektado ay mga tulay, kalsada at flood control projects.
Sa Lunes, muling ipagpapatuloy ang deliberasyon ng bicameral conference para sa 2018 budget.
Ipatatawag nila ang mga kinagawan ng DPWH upang tukuyin ang cut down sa mga budget na wala nang problema ng ROW.