INALMAHAN | Bella Padilla, umalma sa pagtawag sa kanya na ‘Bad Influence kay Maris Racal

Manila, Philippines – Inalmahan ni Bella Padilla ang alegasyon ng ilang netizens na bad influence siya sa young actress na si Maris Racal.

Isang netizen kasi ang nagsabing nagbago raw ang ugali ni Maris simula nang naging kaibigan niya ang 27-year old actress na isa raw “liberated” na babae.

Pinuna rin ng ilang netizens ang ‘revealing’ gown na suot ni Maris sa isang event kamakailan.


Pero sa Twitter post ni Bela, iginiit niyang bihira lang silang magkita ni maris.

Sa isyu naman ng pagiging liberated, iginiit ni Bela na walang masama sa pagiging malaya sa aniya ay “social conventions and traditional ideas”.

Facebook Comments