INALMAHAN | Con-Ass, iginiit na hindi dapat ituloy

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Bayan Muna Chairman at dating Representative Neri Colmenares sa kongreso na huwag nang ituloy ang pagpapatawag ng Constituent Assembly (Con-Ass) para susugan ang Saligang Batas.

Ayon kay Colmenares, masama sa panlasa ng publiko ang Con-Ass dahil tiyak bubuo lamang ito ng ‘self-serving’ na bagong konstitusyon.

Tiyak na palalawigin umano ng mga mambabatas ang kanilang termino at hindi malayong ituloy ang pinalulutang na unlimited term.


Labag aniya ito sa konstitusyon na nagbabawal sa mga nakaupong mambabatas na magpatibay ng batas na kanila ding pakikinabangan.

Inaalmahan din ni Colmenares ang pag-exempt sa Pangulo ng bansa at sa mga mambabatas sa pagbabayad ng income tax.
Naniniwala si Colmenares na hindi rin ito susuportahan ng publiko dahil walang dahilan para malibre sa buwis ang mga opisyal na matataas ang sweldo habang habang pwersado ang ordinaryong manggagawa na magbayad ng income tax.

Facebook Comments