Manila, Philippines – Umalma ang mga empleyado ng National Parks Development Committee (NPDC) sa isang daang pisong unang planong entrance fee ng children’s playground.
Ayon kay Erwin di tunay na pangalan empleyado ng National Parks Development Committee (NPDC) natatakot silang maglantad at ihayag ang kanilang mga saloobin sa mga ginagawang pagmamalabis aniya ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte sa pagbibigay ng entrance fee sa halagang 100 piso pero pumalag umano sila at sinabi hindi maktwiran ang naturang desisyon ni Belmonte kaya ginawa na lamang 10 piso ang entrance fee.
Pero ang ipinagtataka ng mga empleyado ng NPDC kung bakit sulat kamay sa isang bond paper na nakalagay na 10 pesos ang entrance fee ng children’s playground gayong pwede namang i-commuter para maging legal ang naturang bayarin.
Matatandaan na inalmahan ng maraming mga estudyante ang entrance fee ng children’s playground na dati umano ay walang bayad at ang ikinadismaya pa ng mga estudyante ay nakasara ang CR sa loob ng naturang playground kaya kinakailangan pa nilang lumabas para maghanap ng palikuran.
Una rito kinukwestyon ng maraming mga empleyado ang mga desisyon ni Penelope na taliwas anila sa kapakanan ng nakararaming empleyado.
Si Belmonte ay una nang pinagpapaliwanag ng COA sa 7.5 milyong pisong iregularidad kabilang ang umano ay kalahating milyong pisong halaga ng tailoring services, designers bag, mga body guard at mga bagong sasakyan kung saan binibigyan ng anim na buwan si Penelope ni DOT Secretary Bernadette Romulo Puyat na ipaliwanag ang naturang kontrobersyal na isyu.