Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ng National Union of Student of the Philippines (NUSP) sa gobyerno ang ibinulgar nilang umano’y sandamakmak na mga petisyon para sa taas matrikula ngayong taong-taon.
Ayon kay NUSP Spokesman Raoul Manuel, ngayong buwan pa lamang, umaabot na sa 400 private schools at kolehiyo ang naka-ambang magtaas ng matrikula at iba pang school fees.
Batay aniya sa karaniwang komputasyon – tumataas ang matrikula sa antas na anim hanggang sampung porsyento kada taon.
Ikinababahala rin ng grupo ang datos na karamihan sa mga pribadong paaralan sa bansa ay pag-aari ng mga malalaking negosyante.
Lumilitaw sa pag-aaral ng NUSP na kabilang sa mga institusyon na sobra umanong nakikinabang sa tinatawag na ‘Profiteering System’ ang University of the East (UE), Lyceum University of the Philippines (LPU) at Far Eastern University (FEU) na lumagpas sa P600 million ang kanilang gross revenue noong 2016.