INALMAHAN | Malacañang, kinondena ang pagpatay kay dating La Union Rep. Eufranio Eriguel

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Malacañang ang pagpatay kay dating La Union Representative Eufranio Eriguel.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nangako ang gobyerno na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dating mambabatas.

Ani Roque, nangangalap na ng ebidensya ang mga imbestigador para matukoy ang mga pumatay kay Eriguel.


Umapela rin ang palasyo sa publiko na tiyaking maging maayos at mapayapa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nabatid na si Eriguel at kanyang dalawang civilian bodyguards ay pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang mga suspek sa Agoo, La Union nitong Sabado ng gabi.

Facebook Comments