Manila, Philippines – Binigyang diin ng Malacañang na hindi nananahimik ang Administrasyong Duterte sa usapin sa West Philippine Sea.
Sa katunayan ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi lamang sa pamamagitan ng protesta idinadaan ng gobyerno ang pagpaparating ng sentimyento ng Pilipinas tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.
Bukod aniya sa diplomatic protest, prangkahang inihahayag ng Pilipinas ang stand nito sa territorial despute sa pamamagitan ng frontal discussion.
Batay aniya sa huli nilang pag-uusap ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, binuksan nito ang usapin sa umano ay military installation activities ng China sa katatapos lamang na Bilateral Consultation Mechanism.
Giit ni Roque, hindi isusuko ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.