INALMAHAN | Mandatory pregnancy test ng Pine City Colleges Baguio, binatikos

Baguio City – Inulan ng batikos ang Pine City Colleges sa Baguio City dahil sa patakaran nitong mandatory pregnancy test.

Base sa mga kumakalat na memo online, ipinaaalala ng kolehiyo ang schedule ng pregnancy test para sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong dentistry, pharmacy at nursing bilang bahagi ito ng social responsibility ng eskwelahan.

Bukod dito, sinisingil ang mga estudyante 150 pesos para sa pregnancy test.


Nakasaad naman sa handbook ng kolehiyo na hindi dapat naka-enroll ang buntis na estudyante sa clinical dentistry sa kahit anong kurso na magiging delikado sa ina at sa ipinagbubuntis nito.

Lumalabas din na ang pagbubuntis ay isa sa dahilan ng pagbagsak at pag-drop out ng mga mag-aaral.

Tumanggi munang magkomento ang paaralan hinggil dito.

Facebook Comments