INALMAHAN | P10-milyon multa ng LTFRB sa Grab dahil sa overcharging, kinuwestiyon ng Consumers at Commuters’ Group

Manila, Philippines – Kinuwestiyon ng ilang grupo ang utos ng LTFRB na pagmultahin ng P10-milyon ang Grab dahil sa overcharging.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, presidente ng lawyers for commuters safety and protection group – sa kada overcharging, P5,000 dapat ang multa.

Kaya kung susumahin, nasa tatlong trilyong piso ang dapat na babayaran ng Grab na malayong-malayo sa P10-milyong ipinataw lang ng LTFRB.


Malabo rin aniya ang sinasabing reinbursement ng pamasahe sa mga pasahero sa pamamagitan ng rebate.

Kaya sabi ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba – kailangang balangkasin ng LTFRB kung paano ang rebate at nakahanda ang pag-o-audit sa grab kung tama ang isasauling pasahe sa mga pasahero.

Kumpiyansa naman si Grab Philippines Head Brian Cu na maibibigay nila ang rebate sa loob ng 20 araw.

Handa rin daw harapin ng Grab ang anumang parusang ipapataw sa kanila kung mapapatunayang mayroon silang paglabag.

Pinag-aaralan na rin ng Grab ang kanilang legal option sa utos ng ahensya.

Facebook Comments