Manila, Philippines – Nag-rally sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura, Maynila ang tatlumpung mga raliyista mula sa Mindanao.
Kinundena nila ang ginawang pagpapatibay ng Supreme Court sa pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Anila, nababahala sila na lalo pang tumaas ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa mga residente ng Mindanao matapos palawigin ang batas militar sa rehiyon.
Matapos ang maikling protesta sa harap ng Korte Suprema, kinalampag din ng mga demonstrador ang harap ng Department of Justice (DOJ).
Inupakan nila ang anila’y pagiging inutil ng DOJ sa mga pag-atake sa mga komunidad sa Mindanao na ang target ay ang mga katutubo, magsasaka, Moro at mga nagtatagayuod ng karapatang pantao.
Sa ngayon anila, nababaliktad pa at nakakasuhan ang mga nagpoprotekta sa karapatang pantao, sa halip na bigyan ng katarungan ang mga pinatay na mga aktibista at lumad sa Mindanao.