INALMAHAN | Pagpayag ng gobyerno sa pananaliksik ng China sa Benham Rise, binatikos ni Senator De Lima

Manila, Philippines – Nagngingitngit na inihayag ngayon ni Senator Leila De Lima na hindi dapat gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dangal ng lahing Pilipino para ipambayad sa utang na loob niya sa China.

Ugat ng sentemyento ni De Lima ang pagbibigay pahintulot ng pamahalaan sa China na magsagawa ng pagsasaliksik sa Benham Rise.

Pinaalala pa ni De Lima ang pahayag umano noon ng China, na hindi raw natin pwedeng angkinin ang Benham Rise, kahit pa idineklara na ng United Nations na bahagi ito ng ating Exclusive Economic Zone.


Giit ni De Lima, hindi rin totoo ang katwiran ng gobyerno na wala tayong kakayahan na magsagawa ng exploration sa Benham Rise dahil mahigit isang dekada na natin itong ginagawa.

Dismayado si De Lima dahil sa halip na ipagpatanggol ni Pangulong Duterte ang ating soberenya at dignidad ay malinaw na nagpapakatuta umano ito sa China.

Facebook Comments