INALMAHAN | Pinakamahigpit na abortion law sa Amerika, ipapatupad sa Mississippi

Mississippi, Amerika – Ipapatupad sa Mississippi ang pinakamahigpit na
abortion law sa Amerika.

Base sa bagong batas na ipinasa ni Republican Governor Phil Bryant, bawal
nang ipalaglag ang sanggol na ipinagbubuntis ng labing limang linggo
pataas.

Mas maaga ito kumpara sa dating ipinapatupad na Abortion Law kung saan
pinapayagang ipalaglag ang sanggol kung wala pa itong dalawampung linggo sa
sinapupunan.


Tinanggal na rin ang exemptions tulad ng kung resulta ang pagbubuntis ng
rape o incest.

Tinututulan naman ito ng nag-iisang abortion clinic sa Mississippi.

Paglabag daw ito sa karapatan ng mga kababaihan.

<#m_-323309932360629022_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments