INALOK? | Pag-alok umano ng posisyon kay Senador Honasan sa gabinete ng Pangulo – hindi makumpirma ng Malacañang

Manila, Philippines – Hindi makumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang balita na inalok umano ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology si Senador Gringo Honasan.

Batay kasi sa balita ay inalok ng Pangulo si Honasan at ibibigay ang posisyon sa Senador sa susunod na taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nakasama niya si Pangulong Duterte pero wala naman aniya itong nabanggit ukol kay Honasan.


Wala din aniyang sinasabi ni Panguong Duterte na inalok niya ang posisyon kay Honasan at sinabi ni Panelo na umiikot lang din ang impormasyon na ito.

Facebook Comments