INAMIN | 13 mula sa 17 police regional offices sa bansa, siksikan ang detention facilities – PNP

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) na 13 mula sa kanilang 17 regional police offices sa bansa ang may siksikang detention facilities.

Sa datos ng PNP Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO), nangunguna ang Calabarzon Police Regional Office (PRO-4A) na may pinakamataas na congestion rate kung saan 78 sa 172 custodial centers ay overcrowded, katumbas ng 45.35%.

Sumunod ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na 29 mula sa 70 custodial centers ang punuan (41.43%).


Kabilang din sa listahan ang:

Central Visayas (PRO-7) – 36.71%
Central Luzon (PRO-3) – 29.24%
SOCCSKSARGEN (PRO-12) – 10%
Davao (PRO-11) – 8.57%
Western Mindanao (PRO-9) – 7.14%
Bicol Region (PRO-5) – 5.93%
Mimaropa (PRO-4B) – 5.56%
Caraga (PRO-13) – 4.67%
Ilocos Region (PRO-1) – 2.96%
Northern Mindanao (PRO-10) – 2.43%
Western Visayas (PRO-6) – 1%

Ayon sa PNP Spokesman, C/Supt. John Bulalacao – ang mga rehiyon na hindi kasama sa listahan ay hindi siksikan ang kanilang mga kulungan.

Tinutugunan na nila ang problema sa pamamagitan ng paghingi ng malaking budget para sa pagtatayo ng mga bagong detention facilities.

Facebook Comments