INAMIN | Bus ng Dimple Star transport na nasangkot sa trahedya sa Occidental, Mindoro, galing junkshop

Manila, Philippines – Inamin ng may-ari ng Dimple Star transport na nabili nila sa junk shop ang makina ng bus na nahulog sa bangin sa Occidental Mindoro noong March 20 na ikinasawi ng 19 na tao at ikinasugat ng 21 iba pa.

Ayon sa may-ari ng Dimple Star na si Hilbert Napat, matapos silang makabili sa junk shop ng isang unit ng bus ay agad nila itong ini-ayos, kinondisyon ang makina, pininturahan at ginawang bago.

Aniya, sa loob ng siyam na taon simula noong 2009, nagsimula nang bumiyahe ang naaksidenteng bus na may plate number na TYU 708 matapos aprubahan ng LTO na muling makapasada.


Giit naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada, ang ganitong mga pangyayari ang dahilan kung bakit kinakailangang isulong ang modernisasyon ng pampublikong sasakyan para nawala ang mga bulok na sasakyan sa kalsada.

Pagtitiyak pa ni Lizada, mas maghihigpit sila sa pagbibigay ng prangkisa sa mga bus.

Itinakda sa Mayo a trenta ang susunod na pagdinig sa kaso na kinakaharap ng Dimple Star.

Facebook Comments