INAMIN | Lorenzana, hindi itinuloy ang deployment ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal noong 2016

Manila, Philippines – Kahit naging pabor sa Pilipinas ang desisyon ng United Nations Permanent Court of Arbitration sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, hindi itinuloy ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapadala ng isang contingent ng Philippine Navy sa Scarborough Shoal noong 2016.

Bago pa man kasi lumabas ang UN decision naisip na ni Lorenzana na magpadala na ng mga Navy personnel sa Scarborough matapos ngang umugong ang balita na ibabasura ng The Hague-based UN Court ang nine-dash line claim ng China.

Dahil sa ruling, pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Panganiban, Ayungin at Recto Bank.


Pero hindi natuloy ang kaniyang plano.

Paliwanag ni Lorenzana, sinunod lamang niya ang babala ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang gabinete noon na huwag gumawa ng bagay na ikakagagalit ng China.

Ayon pa kay Lorenzana ipinatawag sila ng Pangulo sa Malacanan at sinabihan sila na huwag masyadong magpakasaya sa naging ruling ng UN sa away sa teritoryo sa West Philippine Sea dahil nga baka magalit ang China.

Facebook Comments