Manila, Philippines – Aminado ang Palasyo ng Malacañang na wala pa silang detalye sa pagreresign ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA Director Roberto Teo na asawa ni Tourism Secretary Wanda Teo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, narinig lang niya sa radio na nagsumite na si ginoong Teo ng kanyang Courtesy Resignation pero ang alam aniya niya ay matagal na itong nagbigay ng Resignation.
Paliwanag ni Roque, si Ginoong Teo ay appointee ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino sa TIEZA at sa kanyang pagkakaintindi ay kaya nananatili ito sa TIEZA ay hindi pa nakakahanap ng kanyang kapalit.
Wala din namang idea si Roque na si ginoong Teo ay naitalaga din ni Pangulong Rodrigo Dutere sa Landbank of the Philippines noong nakaraang taon.
Matatandaan na batay sa balita ay Sinabi umano ng kampo ni Teo na hindi na siya dadalo sa mga pulong ng TIEZA hanggang hindi pa naaaksyunan ang kanyang resignation doon.
Matatandaan din na noong 2016 sa bisa ng Memorandum Circular number 4 na inilabas ng Malacañang ay inaatasan ng Pangulo ang lahat ng mga Appointees ng nakaraang administrasyon ay magsumite na ng kanikanilang Courtesy Resignation.
INAMIN | Malacañang wala pang buong detalye sa pagbibitiw ni TIEZA Director Roberto Teo
Facebook Comments