INAMIN | PRRD, nag-offer na magbitiw sa posisyon

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinangka na niyang magbitiw sa posisyon sa harap ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Pangulong Duterte, sa isang Joint Command Conference ng AFP at PNP sa Malacañang ay sinabi niya sa mga opisyal na bababa nalang siya sa posisyon bilang Pangulo ng bansa.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi niya makontrol ang katiwalian, hindi niya maibigay ang kanyang mga naipangako tulad ng paglaban sa iligal na droga, krimenalidad at ang pakikipagkasundo sa ilang grupo o ang peace talks.


Binigyang diin ni Pangulong Duterte, sinubukan niyang isulong ang peace talks sa New Peoples Army (NPA) pero inamin nito na posibleng hindi na siya makipag-usap sa mga ito.

Sa kabila nito ay ipinagmalaki din ni Pangulong Duterte na maganda ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at patuloy din naman aniya ang kanyang pakikipag-usap sa grupo ni Nur Misuari na tahimik lang aniyang naghihintay.

Facebook Comments