Manila, Philippines – Inamin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na maging siya ay nadismaya sa mga pagkakamali ng kanyang mga tauhan sa Presidential Communications Operations Office of PCOO.
Sinabi ni Andanar na nahihiya siya kay Senador Sherwin Gatchalian matapos itong tawaging Winston Gatchalian sa isang Press Release na ililabas ng kanyang tanggapan at humingi na aniya siya ng Paumanhin kay Senador Gatchalian at tiniyak niya dito na gumagawa na sila ng hakbang para hindi na maulit ang insidente.
Pero sinabi ni Andanar na alam niyang hindi lang naman government news agency ang nagkakamali pero hindi ito dahilan para magkamali ang mga tao ng pamahalaan lalo na ang mga nasa larangan ng paglalabas ng balita o mga imporasyon.
Sa ngayon aniya ay nagpapatupad na sila ng mga pagbabago sa Standard Operating Procedure ng PCOO.
Tiniyak din naman ni Andanar na iimbestigahan ang huling pagkakamali at bibigyan ng karampatang parusa ang sinomang mapatutunayang nagkasala o nagkulang.