Inamyendahang guidelines para sa umiiral na Alert Level 4 sa kalakhang maynila, inilabas na ng Malacañang

Inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang inamyendahang guidelines para sa umiiral na Alert Level 4 dito sa kalakhang Maynila.

Kabilang sa mga inaprubahang guidelines ng Inter-Agency Task Force ay ang maaari nang magsagawa ng outdoor exercises sa general area of residence ang mga indibiwdal na pinapayagang lumabas ng kanilang bahay.

Sa kabila nito, hindi pa rin papayagan ang lahat ng contact sports maging indoor o outdoor habang exempted naman dito ang nasa tinatawag na “bubble” set-up.


Habang bawal pa rin ang personal care establishments at home services kabialng ang spa at mga kagaya nitong serbisyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging epektibo ito simula sa unang araw ng Oktubre sakaling manatili sa Alert Level 4 ang NCR.

Samantala, bagama’t hindi na required ang pagsusuot ng face shield sa open area ay kinakailangan pa rin ito para sa mga magpupunta sa Quiapo Church.

Facebook Comments