Inamyendahang “Magna Carta of the Poor” lalagdaan ni PBBM sa Hunyo

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hunyo ang inamyendahang Implementing Rules and Regulations ng Magna Carta of the Poor.

April 2019 nang una itong pirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Durterte na nagmamandato sa pamahalaan na tiyaking mabibigyan ng access sa government services ang mahihirap.

Sa ilalim nito, nakasaad ang limang fundamental rights ng mahihirap:


Karapatan sa sapat na pagkain; tirahan; disenteng trabaho; dekalidad na edukasyon; at karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugan.

Target ng administrasyong Marcos na maibaba ang antas ng kahirapan sa bansa sa siyam na porsiyento pagsapit ng 2028.

Facebook Comments