Inang naniniwalang tinamaan ng COVID-19, nagtangkang magpakamatay; tatlong anak, ginilitan sa leeg sa Camarines Norte

6626

Patay ang tatlong magkakapatid matapos gilitan sa leeg ng kanilang sariling ina sa Camarines Norte.

Wala ng buhay nang datnan ng mga otoridad sa kanilang bahay ang tatlong bata na nasa edad lima pababa sa Barangay Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte.


Batay sa report, isinagawa ng suspek na si Joan Magiatrado ang krimen nang umalis sa kanilang bahay ang kanyang asawa at ama ng mga bata kaninang alas-10:00 ng umaga.

Ayon sa suspek, inakala niya na tinamaan siya COVID-19 kaya nag-desisyon na lamang ito na magpakamatay, kasama ang kanyang mga anak.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang suspek at nasa maayos ng kalagayan.

Hinihinalang nakakaranas ng psychological disorder ang suspek sa hindi malamang dahilan.

Sa ngayon ay hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek at inihahanda na ang isasampang kaso laban dito.


Facebook Comments