INANOD | Isa pang container na may lamang iligal na droga patuloy na pinaghahanap sa coastal areas sa Quezon Province

Quezon Province – Patuloy na pinaghahanap ngayon sa coastal areas sa Quezon Province ang isa pang container na may lamang cocaine.

Nakipag-ugnayan na ang mga otoridad sa Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nasabing container na namataang nagpapalutang-lutang sa karagatang sakop ng nasabing lalawigan.

Base sa naging pahayag ng mga mangingisda na nag-turn over sa kanila ng unang container na naglalaman ng 27 bricks ng cocaine, may nakita pa silang isa pang container na nagpapalutang lutang sa naturang lugar.


Pero hindi raw kinuha ng mga mangingisda ang nasabing container dahil tulad ng unang na-recover, wala silang ideya kung ano ang laman nito.

Sa ngayon, mas pinahigpit ng mga otoridad ang pagmo-monitor at paghahanap ng natitira pang container.

Facebook Comments