INANUNSYO | Iba pang detalye ng US-North Korea June 12 summit, inanunsyo ng White House

Washington – Inanunsyo na ng White House ang oras sa gaganapin summit sa North Korea sa Singapore sa June 12.
Ayon kay White House Spokeswoman Sarah Sanders –magsisimula ang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un, alas-9 ng umaga.

Ginawa ang anunsyo tatlong araw matapos ang pulong sa New York ng mga opisyal ng amerika at matataas na opisyal ng North Korea.

Nabatid na araw-araw na ang natatanggap na briefing ni Trump sa estado ng preparasyon para sa summit.


Facebook Comments