INANUNSYO | Indonesian transport network company na Go-Jek, balak palawakin ang operasyon sa Southeast Asia

Inanunsyo ng Indonesian ride-hailing application na Go-Jek na palawakin ang operasyon nito sa Thailand, Vietnam, Singapore at sa Pilipinas.

Ayon sa Go-Jek, nais nilang itaas ang lebel ng kompetisyon lalo na at nangungunang transport network service ang Grab sa Southeast Asia.

Gagastos sila sa 500 million dollars o 26.274 billion pesos para sa kanilang regional expansion.


Nais ng Go-Jek na mamayagpag din sa mga bansa sa rehiyon tulad sa kanilang bansa.

Ang Go-Jek ay galing sa Indonesian word na ‘Ojek’ o tawag sa motorcycle taxi.

Sa ngayon, ang Grab ay nag-o-operate sa walong bansa sa Southeast Asia.

Facebook Comments