INANUNSYO | Korean Embassy sa Pilipinas, nagtalaga ng mga travel agencies para tumanggap ng temporary visitor’s visa applications

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Korean Embassy sa Pilipinas na ilang travel agencies ay tatanggap ng temporary visitor’s visa applications.

Ayon sa Korean Embassy, ginawa nila ang hakbang kasunod ng dumaraming bilang ng Korean visa applicants mula sa 90,000 noong 2015 ay umabot na sa 160,000 nitong 2017.

Nagtalaga ang embahada ng 35 travel agencies para magproseso ng mga aplikasyon ng temporary visitor’s visa.


Simula sa July 1, hindi na tatanggapin ng embahada ang mga walk-in applicants para sa temporary visitor’s visa.

Pero tatanggapin nila ang mga application ng mga asawa at anak ng mga Korean holders ng visa issuance number, government employees na may official business trip at sa mga tutungo ng Korea dahil sa humanitarian reasons.

Facebook Comments