INANUNSYO | Meralco, inilunsad ang kanilang halalan hotline

Manila, Philippines – Kasunod ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, May 14

Inilunsad ng Meralco ang kanilang Halalan hotline.

Ayon kay Joe Zaldariagga, tagapagsalita ng Meralco, maaaring tumawag sa mga numerong 6328118 saka-sakaling may problema sa linya ng kuryente o mawalan ng kuryente sa araw ng eleksyon.


Maaari ding magtext sa mga numerong 09209716211 para sa Smart users, 09175516211 globe users at 09257716211 Sun users.

Kasunod nito tiniyak ng Meralco na may sapat na supply ng kuryente sa Lunes.

Nakaantabay din aniya ang 180 generator sets at 500 meralco crew sa Lunes saka-sakaling magkaroon ng emergency power interruption sa araw ng halalan.

Facebook Comments