Inanunsyong Malalaking Bonus Ng Mga Opisyal Ng Pnp – Binawi, Wala Pa Umanong Pondo

8

MANILA – Pera na naging bato pa, ganito inilarawan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang naunsyaming Christmas bonus na ibibigay sana ni Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay Dela Rosa, hindi kasi dumating ang ipinangakong cash gift na nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P400,000.Una rito, binatikos ang balitang bigayan ng cash gift lalo pa’t hindi masabi kung saan pondo ito manggagaling.Pero una na ring sinabi ni Dela Rosa na posibleng manggaling ito sa intelligence fundsBagay na hindi naman uubra batay sa regulasyon ng gobyerno sa paggamit ng intelligence funds.Pero sa kabila nito, hindi naman nagsisisi si Dela Rosa na inanunsyo niya ang tungkol sa cash gift at hindi na rin siya umaasa na may darating pa.Kasabay nito, kinumpirma rin ng Malakanyang na walang tatanggaping cash gift ang pnp officials.Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi niya alam kung kaninong plano ang pagbibigay sana ng bonus at kung bakit ito napurnada.

Facebook Comments